Sports for All Movement bubuhayin uli

Muling bubuhayin ang Sports For All Movement sa bansa ng Philippine Sports For All Association sa pamamagitan ng pagdaraos ng 9th Asiania Sports For All Congress sa Nobyembre.

Inilunsad kahapon ang hosting ng ASFAA Congress sa Bayview Hotel sa Roxas Blvd., na ioorganisa ng PSFAA sa pangunguna ng chairman na si Prof. Ma. Josefina Bauzon, dating commissioner ng Philippine Sports Commission.

"This is a revival of the Sports For All program that was established during the time of President Fidel V. Ramos," ani Bauzon, na nanguna sa unvieling ng logo ng congress kung saan inaasahang makikibahagi ang 500 local delegates mula sa iba’t ibang dako ng bansa kasama ang kinatawan ng 40-Asian at Oceania countries.

Ang Congress na may temang ‘People Empowerment for a healthy and strong nation’ ay gaganapin sa Nov. 25-28 sa Bayview Hotel na siya ring magiging opisyal na tahanan ng mga delegado.

Tampok din ang 5K friendship fun run, festival ng mga traditional games at sports upang ipakita ang hospitalidad ng mga Pilipino. Magkakaroon din ng aerobics marathon.

Bukod sa Bayview, makakatulong ng PSFAA ang Fitness Network Philippines na siyang maghahanda ng mga exercise routines para sa mga delegado at para sa Sports for All Movement, Pro-Ad concepts at FAME.

Show comments