^

PSN Palaro

RP chess team masaklap ang naging kapalaran

-
Magkakaibang kapalaran ang nalasap ng men’s at women’s RP team sa katatapos pa lamang na 37th World Chess Olympiad sa Olympic Village sa Turin, Italy nitong nagdaang Linggo.

Sa kabila ng kabiguan ng 60th-seeded women’s team sa mga kamay ng 17th-seeded Slovenia, .5-2.5, tumapos pa rin ang Filipinas ng respetadong 26th place sa bisa ng tie break sa likod ng Asian countries gaya ng China (No. 3), India (No.12) at Vietnam (No.15).

Sa katunayan, nakalikom ang Lady chessers ng 22 puntos na naghanay sa kanila sa pakikisalo sa 23rd placers kasama ang Lithuania, Turkey, Serbia and Montenegro at Iran.

Tanging si WIM Beverly Mendoza ang nakaligtas sa pananalasa ng kalaban ng makipaghatian ito ng puntos kay WIM Jana Krivec sa Board 3.

Bunga ng kaganapang ito, nalampasan ng Pinay chessers ang kanilang 48th place finish sa nakaraang 2004 Palma de Mallorca edisyon.

Tinalo nina WGM Anna Muzychuk at Ana Srebrnic sina WNM Catherine Pereña at WNM Sherily Cua, ayon sa pagkakasunod.

Sa kabilang dako, nakipaghatian naman ng puntos sina GMs Mark Paragua, Eugene Torre at Rogelio ‘Joey’ Antonio Jr., sa kapwa GMs na sina Giovanni Vescovi, Gilberto Milos at Jaime Sunye, ayon sa pagkakasunod.

Subalit ito ay natabunan ng kulimlim matapos na ang bagong IM na si Oliver Dimakiling na nagtatangka ng kanyang unang GM norm ay kumulapso kay IM Alexander Fier sa board 4 matapos ang 100 moves ng London System Opening.

Bunga nito, nalaglag ang men’s squad mula sa 43rd-48th place finish na kinabibilangan ng Slovakia, Iceland, Estonia, Mexico at Italy-B na may nalikom na 28.5 puntos, subalit matapos na gamitan ng tie break, nalaglag ang Nationals sa 44th place kasama ang China (No. 2), Australia (No.29), Vietnam (No. 39) at Indonesia (No. 40).

vuukle comment

ALEXANDER FIER

ANA SREBRNIC

ANNA MUZYCHUK

ANTONIO JR.

BEVERLY MENDOZA

BUNGA

CATHERINE PERE

EUGENE TORRE

GILBERTO MILOS

GIOVANNI VESCOVI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with