Ang nasabing Tour ay natatanging ranking tour sa Asia para sa mga players na magku-qualify sa World Pool Champion-ship. Ang top ten finishers sa pagtatapos ng Tour na ito ngayong taon ang awtomatikong eentra sa World Pool Champion-ships bukod pa rito ang nakalaang tour prize money purse na $160,000 para sa apat na legs ng nasabing event.
Ngayong nasa ikaapat na taon na, nag-alok ang San Miguel Asian 9-Ball Tour ng top prize na US$10,000 para sa kam-peon sa bawat yugto at US$5,000 sa runner-up.
Noong nakaraang taon sinikwat ni Yang ang Kaoshiung leg at tumapos ng first runner-up sa dala-wa pang legs, napagwa-gian naman ng Filipinos ang tatlong iba pang legs--si Gandy Valle sa Singa-pore, Reyes sa Jakarta at Ronato Alcano sa Manila.
Ito rin ang ikalawang pagkakataon sa kasay-sayan ng Tour na ang Ho Chi Minh City ay dala-wang ulit na magiging punong abala sa leg ng San Miguel Asian 9-Ball. At sa opening leg ng 2006, ang host country ay kakatawanin ni Thanh Nam Nguyen, Chi Dong Luong, Trong Khai Vu at Phuong Thao Nguyen.
Magsisimula ang kompetisyon sa alas-12 ng tanghali (local time) sa May 5.
Ang San Miguel Asian 9-Ball Tour ay sanctioned ng Asian Pocket Billiard Union at inorganisa ng ESPN STAR Sportss Event Management Group (EMG). Ang San Miguel Beer ang title sponsor ng Tour.