Sa April 22, magsisimula na ang pinakahihintay na V-League. Ito ay gaganapin sa Rizal Memorial Coliseum at sa Ninoy Aquino Stadium, tuwing Lunes, Miyerkules at Sabado. At hindi lang po anim na teams ngayon ang kasali kundi walo na. O di ba, palaki na nang palaki ang V-League.
At tiyak na maraming manonood din ang matutuwa dahil mapapanood na ito from 4 to 6 pm pero, suspense muna kung saan channel.
For sure, mas maganda at mas kapapanabikan ngayon ang liga dahil nga walong teams na ng mga naggagandahan at mahuhusay na kababaihang volleyball players ang mapapanood.
Well, wait na lang tayo kung sinu-sino ang mga teams na kasali ngayon.
O ayan my dear Mayette Delgado, siguro masaya ka na ngayon at ang pinakahihintay mong liga ay malapit nang sumambulat.
Ang klase sa Level 1 sa lahat ng edad ay nakatakda sa Xavier mula ala-una hanggang alas-4 ng hapon habang ang Level 2 sessions naman (9-11 yrs. old) para sa 1, 2, 3, at 4 sa Nestle Alabang ay sa hapon din gaganapin.
So ano pang hinihintay nyo go na kayo kung malapit kayo sa mga lugar na ito.