Rain or Shine lumakas ang tsansa sa semis

Ibinuhos ng Rain or Shine ang kanilang lakas sa opensa sa ikalawang quarter tungo sa 83-75 panalo kontra sa Far Eastern Insurance upang palakasin ang ka-nilang tsansa sa semifinals ng PBL Heroes Cup sa San Andres Gym.

Pinangunahan ni Gilbert Malaba-nan ang Elasto Painters sa pagkamada ng 19-markers ngunit sina Jay-R Reyes at Jojo Tangkay ang gumanap ng maha-lagang papel sa kanilang panalo matapos nilang pangunahan ang isang malaking run sa ikala-wang quarter tungo sa ikaanim na panalo ma-tapos ang siyam na laro para maging matatag sa No. 2 position.

Sa ikalawang laro, pinabagsak ng Montaña ang Granny Goose, 62-53, sanhi ng pagtatabla sa 5-5 record kasama ang walang larong Har-bour Centre na nagpa-higpit ng labanan sa semis slot. (CVOchoa)

Show comments