Clutario nagpagulong ng gold

Isang gintong medalya mula kay Liza Clutario.

Nagpagulong si Cluta-rio ng kabuuang 460 pinfalls para ibulsa ang gold medal sa women’s Masters sa pagtiklop ng bowling event ng 23rd Southeast Asian Games kagabi sa Pearl Plaza Bowling Center sa Para-ñaque City.

Nagposte si Clutario ng matinding 225 at 235 games upang talunin ang 177 at 195 games at 372 pinfalls sa kabuuan ni Jazreel Tan ng Singapore sa kanilang one-on-one match.

Maliban sa silver, kinu-ha rin ni Tan ang bronze medal matapos pataubin si Putty Armien, nanguna sa 1st block ng Masters mula sa kanyang average na 232 para sa kabuuang 1,918, Indonesia.

Tanging sina Ces Yap, CJ Suarez at Joonee Gatchalian ang nakapag-bigay ng gintong medalya sa Team Philippines mula sa women’s singles (short oil) at sa men’s doubles (long oil), ayon sa pagka-kasunod. (Russell Cadayona) 

Show comments