Thailand nagreklamo dahil sa kawalan ng aircon sa St. La Salle

Isa namang problema ang inihain kahapon ng Thailand sa Philippine Southeast Asian Games.

Inireklamo ng Thailand national volleyball head coach ang kawalan ng airconditioning sa University of St. La Salle sa Bacolod City na siyang makakaapekto sa laro ng kanyang mga players.

"We will be alright as long as there aren’t too many long matches," sabi ni Thailand men’s coach Sophon Panulawan sa kondisyon ng venue. "We haven’t yet receive the match schedule but we are not too worried."

Sa kabila ng kawalan ng airconditioning ng St. La Salle Gym, kumpiyansa pa rin ang Thai mentor sa tsansa ng kanilang men’s at women’s team.

"We trained very well and everything looks good," sambit ni Panulawan.

Ang gintong medalya rin ang hangad na maihataw ng Thai women’s squad, ayon kay coach Suthichai Chanbanchee.

"We have been training hard and we aim to win the gold," wika ni Chanbanchee. (RCADAYONA)

Show comments