10 golds na ang nakasiguro at may dagdag pa-GTK

"I have 10 golds in my pocket."

Ito ang reaksiyon ni athletics president Go Teng Kok sa naging pahayag ni Michael Keon na suwerte na lang kapag nakakuha ng 10 gintong medalya ang track and field at hindi 15 tulad ng unang prediksiyon sa nalalapit na SEA Games.

Si Keon, training director ng may 800 RP athletes para sa biennial event, ay naglabas ng prediksiyon na ang Philippines ay maaaring makakuha ng 92 hanggang 128 gold medals sa SEA Games.

Sa ilalim ng prediksiyon, kung saan base sa pag-aaral ni Keon sa lahat ng national sports association at kani-kanilang atleta, nasa tamang daan ang bansa sa minimithi nilang overall crown.

Ayon kay Keon, mas realistiko ang kanyang prediksiyon kaysa sa isinagawa ng mga kasamang sports officials na 109 hanggang 178 gold medals.

Ayon pa kay Keon, overestimated ang ibang NSA tulad ng athletics na nagsasabing 15 gold medals ang kanilang kayang iuwi na hindi aniya resonable at masuerte ng maka-10 sila.

"Inaamin ko, mayabang ako. But I always encourage my athletes to do their best. What Mr. Keon said was an abuse of my athletes. He should come up with figures," paliwanag ni Go.

"I have 10 golds (medals) in my pocket. And I’m looking for another three or even more so we can win 15," wika pa ng pangulo ng athletics, kung saan palagiang source ng gold medals ng bansa sa SEA Games.(Abac Cordero)

Show comments