Ayon kay SCAP president Richard Gomez, ang clay shooting ang siyang pinakamabilis na umunlad na shooting sports sa bansa sa ngayon. "It is now getting to be very popular in the country," ani Goma.
Ang nasabing tatlong araw na competition ay inaasahang pinakamalaking pagtitipon ng local shotgun shooters sa isang single event.
Ang bawat kalahok ay puputok ng 150 clay targets.
Inaasahang maglalaban-laban sa tourney na ito suportado ng Rustans Essences, Rudy Project, Swatch, iPod, Caterpillar, Chikka.com at Bench ay ang mga shooters mula sa Pampanga, Bulacan, Cebu at Manilla, kabilang ang Olympic, Asian at Southeast Asian Games veterans na regular na nag-eensayo sa Team GomaSports range, na may layong 12 kilometro lamang mula sa EDSA at Ortigas Ave.
Ang mananalo ang siyang makakapag-uwi ng titulong national champion. Ang mga kompetisyon ay gagawin sa ibat ibang classes kabilang ang A, B, C, veterans, ladies at 20 gauge.
Para sa iba pang detalye, bumisita sa Team GomaSports shooting range o tumawag kay Malou sa 0919-8747142, 723-8896 o mag-email sa scap@pldtdsl.net.