^

PSN Palaro

Pinoy boxers malakas ang senyales sa Athens,Olympics

-
Malakas ang senyales na pumupuntos sa magandang pagpapakita ng RP Alaxan FR boxing squad sa nalalapit na Athens Summer Olympics.

Ito ang ipinabatid ng staff ng Bugeat International Training Camp sa France kung saan tatapusin ng Pinoy boxers ang kanilang pagsasanay para sa Games sa capital city ng Greece sa Agosto 13-29.

"I am glad to hear this assessment from France where the boys are currently in deep training. Hope-fully, the experience they gained in France as well as the training camp in Bulgaria and the tournament in the Czech Republic will augment their bid to give the contry its first Olympics gold medal," masayang wika ni Amateur Boxing Association of the Philippines (ABAP) president Manny Lopez.

Maganda ang ipinakikita ng mga Pinoy boxers na nagkaroon ng pagkakataon na ma-scout ang mga karibal na boksingero mula sa 11 bansa sa ipinakita nilang improvement sa istilo, lakas at stamina.

"Maganda ang ipinakikita ng mga bata dito sa Bugeat. Maganda ang sparring nila sa mga kalaban at marami silang nakuhang experience bukod pa sa build-up ng kanilang stamina," pagbabalita ni head coach George Caliwan mula sa France.

Ang mga Filipino boxers-- light flyweight Harry Tanamor, flyweight Violito Payla, light welterweight Romeo Brin at middleweight Christopher Camat - ay nasa huling yugto na ng kanilang three-month final preparation para sa Athens Olympics.

Nasa Bugeat training camp din ang mga Olympic boxers mula sa Algeria, Australia, Cuba, England, Germany, Ireland, Morocco, Moldova, Poland, Roma-nia at host France.

Ang apat na boksingero ay sasamahan nina coach Caliwan, Boy Velasco at Pat Gaspi at sparring partner Joan Tipon, deretso sa Athens sa Agosto 6 upang maging unang delegasyon ng bansa na tatapak sa Olympic Village.

vuukle comment

AGOSTO

AMATEUR BOXING ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

ATHENS OLYMPICS

ATHENS SUMMER OLYMPICS

BOY VELASCO

BUGEAT INTERNATIONAL TRAINING CAMP

CHRISTOPHER CAMAT

CZECH REPUBLIC

GEORGE CALIWAN

MAGANDA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with