^

PSN Palaro

Atletang Pinoy handa sa mabigat na hamon sa Olympics

-
Ang masungkit ang kauna-unahang Olympic gold medal para sa bansa ay isang napakahirap na trabaho, ngunit ang mga atletang Pinoy na tutungo sa Athens,Greece para sa Summer Games sa taong ito ay nakahanda sa malaking hamon na ito.

Iisa ang ipinahayag nina Olympians Lerma Bulauitan-Gabito, Donald Geisler, Tshomlee Go at Maria Antonette Rivero nang dumalo ang mga ito sa PSA forum sa Manila Pavilion, tatlong araw bago magtungo ang unang batch ng Team Philippines sa Athens, Greece.

"May pressure rin, but we’re going to give it our best shot. Our preparations had been very, very good," ani Rivero, ang 16 anyos na taekwondo jin na pinakabatang Pinoy Olympian.

Inamin naman ni Bulauitan-Gabito, na nasa kanyang ikalawang su-nod na pagsali sa Olympics kasama si Geisler, na mas kondisyon siya ngayon lalo na at sariwa pa ito galing sa pagrehistro ng 6.56m sa long jump, ang kanyang paboritong event, sa Asian Grand Prix na ginanap sa bansa may isang buwan pa lamang ang nakakalipas.

"Physically fit ako ngayon and very much focus," dagdag pa ng Pinay long jumper.

Ang bansa ay hindi pa nakakakuha ng gintong medalya sapul nang sumali sila sa quadrennial meet noong 1924 bagamat naka-dalawang silver na ito mula kina boxers Anthony Villanueva (1964) at Mansueto Velasco (1996).

Gayunpaman, walang ginagarantiya si Geisler, ang pangunahing taek-wondo jin sa bansa ngayon sa pagretiro ni Roberto Cruz, ngunit ipinangakong higit na magandang showing ang kanyang ibibigay kaysa noong una siyang lumahok sa Olympics.

"There’s two weeks left and we’re now in the final stretch of our training in Ateneo. Hopefully, things will be better this time," ani Geisler na napatalsik sa unang round sa Sydney Olympics may apat na taon na ang nakakaraan.

Ang apat na Olympians ay magkakasamang dumalo sa public sports program na itinataguyod ng Red Bull, Agfa Colors at PAGCOR kasa-ma ang mga coach na sina Joseph Sy ng athletics at Jesus Morales ng taekwondo, na kinokonsidera ang mga jins ngayon na pinakama-lakas na pambato para sa Olympic medal.

"We’re better prepared now than in the last Olympics," ani Morales, na idinagdag din na puspusan ang ginawang pagsasanay ng tatlong Pinoy jins sa Korea, kung saan halos lahat ng kasaling jins sa Olympics ay naroroon.

vuukle comment

AGFA COLORS

ANTHONY VILLANUEVA

ASIAN GRAND PRIX

DONALD GEISLER

GEISLER

JESUS MORALES

JOSEPH SY

MANILA PAVILION

MANSUETO VELASCO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with