^

PSN Palaro

PBL Unity Cup: Happe Toothpaste at Toyota Otis-Letran

-
Inangkin ng defending champion Hapee Toothpaste at Toyota Otis-Letran ang unang dalawang quarterfinals slot matapos na pabagsakin ng Teeth Sparklers ang Sunkist-UST, 68-62, kahapon sa pagsasara ng elimination round ng Philippine Basketball League 2004 Unity Cup sa Blue Eagles Gym.

Tumikada ang Cebuano rookie na si Reed Friar Juntilla ng 15 puntos at 6 rebounds para banderahan ang Hapee, na nagpamalas ng matatag na paglalaro sa huling 5 minuto upang kumawala sa dikit na laban at maiposte ang kanilang ikalawang sunod na tagumpay at mapalawig ang rekord sa 5-5 panalo-talo.

Ang panalo ay naggawad sa Teeth Sparklers ng No.3 seed sa likod ng outright semifinalist na Viva Mineral Water-FEU at Welcoat Paints.

Ang karta ng Tigers ay nahulog naman sa 4-6, na naglagay sa kanila sa 5-way tie para sa ika-4 hanggang ika-8 posisyon kasama ang Toyota, Blu Star Advance, Montana Pawnshop at Lee Pipes-Ateneo.

At dahil sa ang Knights ang siyang may pinakamataas na quotient na 1.068, sila ang nakasung-kit ng No. 4 seed habang ang Tigers (1.020) ang naglagay sa No. 5, Detergent King (0.985) sa No.6, Blue Eagles (0.983), sa No.7, at Jewels (0.950) sa No. 8.

Sa playoff para sa dalawang quarterfinals berth, maghaharap ang Sunkist at Montana habang sasagupain ng Blu Star ang Lee Pipes.

Ang Teeth Sparklers at Knights ay may twice-to-beat na bentahe sa kasunod na yugto ng torneo.

Umiskor si Alex Compton ng 12 puntos para pamunuan ang Tigers. (Ulat ni IAN BRION)

vuukle comment

ALEX COMPTON

ANG TEETH SPARKLERS

BLU STAR

BLU STAR ADVANCE

BLUE EAGLES

BLUE EAGLES GYM

DETERGENT KING

HAPEE TOOTHPASTE

LEE PIPES

TEETH SPARKLERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with