^

PSN Palaro

Ceballos pag-asa ng Beermen

-
Hindi na makakabalik si Kwan Johnson sa San Miguel ngunit umaasa ang San Miguel na mabibigyan sila ng pag-asa ng bagong import na kanilang isasalang ngayong gabi sa muling pakikipagharap sa Coca-Cola Tigers.

Sasandal ang San Miguel sa NBA veteran na si Cedric Ceballos sa Game-Three ng PBA Samsung Reinforced Conference Finals ngayong alas-7:00 ng gabi sa Araneta Coliseum.

Si Ceballos ay may mayamang credentials sa kanyang 11 taong NBA career tampok ang kanyang career high na 50 puntos at ang slam dunk title noong 1992.

Sa edad na 34, inaasahang maipapakita pa rin ni Ceballos na naglaro para sa Los Angeles, Dallas, Miami, at Detroit hanggang noong 2001, ang mga credentials na ito sa kanyang match-up laban kay Artemus McClary na siyang itatapat ng Tigers.

Isang malaking kawalan para sa Beermen na nanalo sa Game-One, 84-81, ang pagkakaroon ng groin injury ni Johnson na siyang dahilan kaya di ito nakalaro sa Game-Two bunga ng 79-103 kabiguan.

Ito ang dahilan kaya walang naging problema para sa Tigers na itabla ang best-of-seven championship series sa 1-1 panalo-talo.

Samantala, ipinatawag sina Danny Ildefonso at McClary sa PBA Com-missioners Office para magpaliwanag sa kanilang iringan kamakalawa na siyang dahilan ng kanilang pagkaka-thrown-out.

vuukle comment

ARANETA COLISEUM

ARTEMUS

CEDRIC CEBALLOS

COCA-COLA TIGERS

DANNY ILDEFONSO

KWAN JOHNSON

LOS ANGELES

SAMSUNG REINFORCED CONFERENCE FINALS

SAN MIGUEL

SI CEBALLOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with