^

PSN Palaro

Finals target ng Hapee at Montana

-
Tangka ng Hapee Toothpaste at Montana Pawnshop na maiselyo ang best-of-five championship series sa kanilang magkahiwalay na laban sa semifinals ng Sunkist-PBL 2003 Unity Cup sa San Juan gym.

Ang Teeth Sparklers ay makikipaglaban sa napatalsik ng John-O sa alas-2 ng hapon habang makakaharap naman ng Jewelers ang Viva Mineral Water sa alas-4 ng hapon.

Ang tagumpay ng dalawang team ay posibleng magtanggal ng playoff at maiiwan ang Viva at John-O para maglaban sa ikatlong puwesto.

Ngunit umaasa pa rin ang Viva na mauulit nila ang kanilang 82-74 panalo laban sa Montana upang manatiling buhay ang pag-asa.

Kapag ganito ang naging kaso, kinakailangan ng playoff para madetermina kung anong team ang kukuha ng huling championship berth. At kapag nagkaroon naman ng three-way tie, ang team na may pinakamataas na quotient ang ookupa ng unang finals berth habang ang dalawang huli ang maglalaro ng playoff para sa huling finals slot.

At ang dalawang laro ay isasa-ere ng live na magkasabay sa Solar Sports Channel 29 at National Broadcasting Network mula alas-2 hanggang alas-6 ng gabi.

vuukle comment

ANG TEETH SPARKLERS

HAPEE TOOTHPASTE

JOHN-O

KAPAG

MONTANA PAWNSHOP

NATIONAL BROADCASTING NETWORK

SAN JUAN

SOLAR SPORTS CHANNEL

UNITY CUP

VIVA MINERAL WATER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with