Ito ay isasagawa sa halftime game sa pagitan ng Shell at Purefoods sa PBA Samsung All-Filipino Cup action sa Araneta Coliseum.
Ang 65 na si Paras ang ikalawang player na ireretire ang jersey sa ta-ong ito matapos iretiro ng Alaska ang no. 6 jersey ni Jojo Lastimosa ng Alaska noong opening day.
Ang jersey ni Paras ang kauna-unahang player na ireretiro ng Turbo Chargers.
Ang dating State University standout ay ang no. 1 draft pick overall noong 1989 at agad na nagparamdam nang makipagtambalan ito kay Ronnie Magsanoc, ang kanyang long-time court partner, upang ihatid ang Shell sa Open conference finals ng taong nabanggit.
Natalo ang Shell sa San Miguel, 4-1 para sa Grand Slam ng Beermen ngunit nakuha ni Paras ang atensiyon nang talunin nito para sa MVP trophy si Ramon Fernandez sa kanyang rookie year.
Makalipas ang 10 taon, nakopo ni Paras ang kanyang ikalawang MVP trophy sa likod ng pagpasok ng maraming Fil-Am rookies. (Ulat ni CVOchoa)