Programa sa 2003 ng Milo Best inihayag na

Sisimulan ng MILO BEST Center ang kanilang programa sa 2003 sa pagdaraos ng magkahiwalay na Saturday-and-Sunday-only basketball clinics sa January 4 at 5.

Gaganapin ang level 1,2,3,4 at refreshers classes tuwing Sabado sa Ateneo College covered courts mula Jan. 4 hanggang Feb. 22, habang ang level 1,2 at 3 sessions ay idaraos naman tuwing Linggo sa St. Benedict College simula Jan. 5 hanggang Feb. 23.

Ang mga pag-aaral sa Ateneo at St. Benedict ay gaganapin simula sa alas-8 hanggang alas-11 ng umaga at ala-1 hanggang alas-4 ng hapon, ayon sa pagkakasunod.

Para sa iba pang detalye, ang sinumang interesadong partido ay bumisita o kaya’y tumawag lamang sa BEST Center sa 34 Scout Lozano, Barangay Laging Handa QC, tel. nos. 4116260 at 3722065 o sa Dansei Groom Shop/Sensei Salon, 5th floor, Holiday Inn Manila, UN Avenue, tel. no. 5258191.

Samantala, ang two-level Milo BEST Women’s Volleyball League ay bubuksan sa Jan. 12 sa St. Benedict College courts sa Alabang Hills.

Gagawin ang mga competition sa elementary at high school levels.

Show comments