NBN handa na para sa Asian Games coverage

Handa na ang lahat para sa komprehensibong coverage ng National Broadcasting Network na tinaguriang ‘Dream4Gold" sa tulong ng Samsung bilang presentor at FedEx bilang major sponsor.

Ang coverage ng NBN na suportado rin ng Milo, Motolite at Centrum ay sisimulan ng unang laban ng RP-Selecta kontra sa United Arab Emirates ngayon sa alas-3:00 ng hapon at agad susundan ng laban ng Kazakhstan at Qatar sa alas-5:00.

Nakasentro ang coverage sa September 29 opening ceremonies na ipapalabas ng live mula alas-5:00 ng hapon kung saan sina Quinito Henson at Chiqui Roa ang anchor sa main studio kasama sina Chino Trinidad, Recah Trinidad, Yeng Guiao, Sev Sarmenta, Patricia Bermudez, Lala Roque, Peachie Reyes, Chot Reyes, Vito Lazatin, Mymy Davao at Ed Pic-son. Naglagay din ang NBN ng satellite studios at giant screens sa Glorietta, Megamall, Robinson’s Galleria at Korean Embassy para ihatid sa mga Pinoy ang mga kagana-pan sa Asiad.

Pagkatapos ng opening ceremonies, isusunod naman ang individual fencing finals tampok sina Richard Gomez at Rolando Canlas.

Show comments