John-O kampeon

Nilimitahan ng John-O ang Hapee Toothpaste sa limang puntos sa huling tatlong minuto ng labanan upang makopo ang titulo sa 1st PBL-CBF Dual Meet, 86-70 sa Pasig Sports Center kamakalawa ng gabi.

Nakalapit pa ang Teeth Sparklers sa 65-72, 3:12 pa ang oras sa laro ngunit nagtulong sina Bong Salvador at Al Vergara sa 11-2 run tungo sa 83-67 kalamangan na kanilang naging tuntungan sa tagumpay.

Samantala, bumangon naman ang Casino Rubbing Alcohol mula sa mahinang panimula upang sungkitin ang third place matapos ang 87-78 panalo kontra sa Blu All Purpose.

Tinanghal na Most Valuable Player si Ranidel de Ocampo na kasama nina Lou Gatumbato, Peter Simon, Reynell Hugnatan at Chris Guerrero sa Mythical Five.

Show comments