Pagkatapos ng palabas, agad na magsasalpukan sa unang laro ang Mapua Cardinals at PCU Dolphins. Second game naman ang College of St. Benilde vs Jose Rizal University. Ang dalawang yan ang maipapalabas ng live sa Studio 23. Susunod ang laro ng Perpetual College at SSC at sa ikahuling laro, magpapakitang gilas sa isat isa ang Letran at San Beda College.
Sa ngayon, naghahanda na ang bawat college teams para sa season na ito. Defending champion ang SSC Stags at halos intact ang lineup nila mula sa kanilang team last year kaya naman marami ang nagsasabi na sila pa rin ang heaviest favorite.
Nawala na ang mga superstars ng Jose Rizal College tulad nina Nani Epondulan at Rendell dela Rea kaya naman medyo bumabaw ang lineup ni coach Boy de Vera.
Si Louie Alas ang siyang tatayong head coach muli ng Letran Knights. Bago nag-coach si Alas sa PBA ay nabigyan niya ng seniors title ang Letran. Panahon yan nina Christian Calaguio, Erwin Velez at Kerby Raymundo. Last year, ni hindi nakapasok sa Top 4 ang Letran. Magbago na kaya ang kapalaran ng Letran Knights ngayong si Louie na muli ang may hawak sa kanila.
Anim ang rookies ni coach Horacio Lim ng Mapua at nabawasan na rin siya ng mga beteranong tulad ni Steve Marucot. Tatlo sa mga players niya eh nasa ikahuling taon na ng paglalaro at yan ay sina Edsel Feliciano, Roberto Lagar at Mike Bangoy, Nung isang taon, muntik nang makapasok sa finals ang Cardinals. Ngayong taon, makarating na kaya sila sa kanilang pinakamimithi?
Kapag ang dalawang yan ang naglalaro sa PBL, maraming tao sa Makati Coliseum.
Hanggang sa PBL, nandiyan pa rin ang mainit na rivalry ng dalawang college teams na ito.
Its a long overdue recognition para kay Rey na noon pa man ay talagang isa nang magaling, masipag at hindi mayabang na player.
No other player deserved that award this conference!
Sabi ni Mrs. No. 1 kay Misis No. 2 "at least ako, nagpunta ako sa isang slimming salon, pumayat talaga ako. Eh siya, lahat na yata ng klaseng pagpapayat eh ginawa na niya at libu-libo na ang nagastos niya pero hayan, tingnan mo, ang taba-taba pa rin niya."