Blu Sun Popwer nasa semis na

Ginising nina Arnold Calo at Aries Dimaunahan sa pagkakahimbing ang Blu Sun Power upang pagpagin ang mahigpit na hamon ng Ana Freezers at iposte ang 83-73 panalo para okupahan ang ikatlong semifinals slot ng PBL Chairman’s Cup sa pagtatapos ng eliminations kahapon.

Pinagtulungan nina Calo at Dimaunahan ang 13-1 run matapos makalapit ang Freezer Kings sa 66-65, 4:48 ang oras sa laro upang iposte ang kanilang ika-7 panalo sa kabuuang 11 pakiki-paglaban.

Pinangunahan ni Dimaunahan ang Blu sa kanyang hinakot na 23 puntos, 3 rebounds at 7-steals upang ipalasap sa Ana ang kanilang ikalimang pagkatalo sa 11 laro na naging dahilan ng kanilang pagkakatalsik sa kontensiyon.

Magarbong binuksan ng Blu ang laban nang agad kunin ang 25-9 kalamangan sa pagtutulungan nina Rey Mendez at Dimaunahan.

Show comments