^

PSN Palaro

CDO lugmok sa Cebuana

-
SAN FABIAN-Agresibong performance ang ipinakita ni Egay Echavez sa final canto upang ihatid ang Cebuana Lhuillier sa 106-101 panalo kontra Cagayan de Oro Amigos kahapon sa MBA First Phase na ginanap sa CDCSC Gym dito.

Ang panalo ng Gems ay ikatlong sunod sa ganoon ding dami ng asignatura na nagpahigpit ng kanilang kapit sa solong liderato, habang nalugmok naman ang Cagayan sa ilalim ng standing sa 0-3.

Humakot si Echavez ng 26 puntos at tig-dalawang assists at steal na nagkaloob sa kanya upang parangalan bilang best player ng laro.

Dominado ng Gems ang laro kung saan naitala nila ang 87-63 bentahe, ngunit nagawang ibaba ng Amigos ang kanilang pundasyon sa pamamagitan ng 23-4 salvo sa huling tatlong minuto ng third canto.

Subalit, naging mabilis si Echavez at kanyang pinangunahan ang atake ng Gems na tinampukan ng dalawang triples ni Melvin Taguines sa huling tatlong minuto ng laro upang muling ilayo ang kanilang pundasyon.

vuukle comment

AGRESIBONG

CEBUANA LHUILLIER

DOMINADO

ECHAVEZ

EGAY ECHAVEZ

FIRST PHASE

HUMAKOT

MELVIN TAGUINES

ORO AMIGOS

SUBALIT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with