Amigos dinagit ng Eagles

CEBU CITY -- Ipinakita ng The Professional Davao Eagles ang kanilang higit na kahusayan at koordinasyon kontra sa Cagayan de Oro Amigos at itala ang 93-82 tagumpay sa opening ng MBA First Conference dito.

Pinagsamasama nina Bong Marata, Peter Simon at Genesis Sasuman ang kanilang lakas kabilang ang bagong recruit na sina Billy Mamaril, Glenn Peter Yap at Jon Dan Salvador para sa balanseng opensa ng Eagles.

Ngunit higit na pumukaw ng eksena ang 6’6 na si Mamaril, anak ng dating PBA player na Romy Mamaril, dahil sa kanyang lakas sa inside play at depensa nang limang beses nitong hiyain ang pagtatangka ng Amigos.

Nagtala ng 14 puntos si Mamaril sa kanyang debut game.

Show comments