Bauzon, chairman ng POC Athlete's Commission

Kapwa nahalal ang fencer na sina Ma. Lorella Bauzon at archer Purita Joy Marino bilang chairperson at secretary, ayon sa pagkakasunod ng Philippine Olympic Committee’s Athletes’ Commission noong nakaraang Martes.

Anim sa pitong atleta ang nahalal rin sa commission sa isinagawang botohan noong Jan. 17-18 sa RSMC, PhilSports at sa Teachers’ Camp sa Baguio City at tatlong POC appointees ang siyang nangasiwa sa nasabing botohan.

Maliban kina Bauzon at Marino, ang iba pang nahalal ay sina Eva Marie Ditan ng taekwondo, Jose Rodriguez (rowing), Botchock Rey (bowling), Sheila Barlovento (football), Maximino Tabangcora (boxing), Leonora Escollante (canoeing) at Jenny de Jesus (softball).

Naiboto rin si weightlifter Alfonso Aldenete, kasama sina Bauzon, Marino, Ditan, Rodriguez, Rey at Barlovento at ang POC appointee Jerome Calica ng wushu na absent sa botohan.

Isa si Escollante na isa sa siyam na nominado para sa Athletes’ Commission election subalit siya ay tinanggal dahil ang kanyang sport ay hindi nakasali sa nakaraang Southeast Games sa Malaysia.

Humihiling naman ang boxing at softball na isama ang pangalan ng kani-kanilang mga kinatawan sa AC sa dahilang ang kanilang disciplines ang siyang may pinakamaraming bilang ng botante sa individual at team sports categories, ayon sa pagkakasunod.

Show comments