^

PSN Palaro

Adducul gustong lumipat sa Cebu Gems

-
Inihayag ng kontrobersiyal na MBA superstar na si Romel Adducul na nais nitong umalis sa Batangas team at lumipat sa ibang koponan mula sa South, kung maaari ay sa Cebu.

Sinabi ni Adducul na bagamat kailangan niyang galangin ang kanyang kontrata sa Batangas, mas makabubuti kung ililipat ito ng MBA sa ibang koponan.

Hindi binigyan ng release papers ng Batangas si Adducul na naging dahilan para di ito makasama sa PBA Draft noong nakaraang linggo na siyang pinagsisimiyento ng player.

"May lamat na kasi ang samahan nina Rommel at ng LBC owners.Kahit pa maayos na ang lahat,parang may unseen gap na.Pinakamaganda siguro for both sides if they will just part ways," pahayag ng manager ni Adducul na si Ed Poncela.

"Siguro,we have to straighten things out.The contract he has is with the Metrostars and not with the Blades," ani Poncela.

Idinagdag pa nito na hindi pa nakukuha ni Adducul ang P 1milyong bonus na ipinangako ng Blades sa pagbibigay nito ng MBA National title sa Batangas bukod pa sa P 175,000 pay check para sa kalagitnaan ng buwang ito.

vuukle comment

ADDUCUL

BATANGAS

CEBU

ED PONCELA

IDINAGDAG

INIHAYAG

KAHIT

METROSTARS

PINAKAMAGANDA

PONCELA

ROMEL ADDUCUL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with