^

PSN Palaro

Giv semifinalist na sa PBL Chairman's Cup

-
Tuluyan nang napasakamay ng Giv Beauty Soap ang ikaapat at huling semifinals slot nang kanilang maungusan ang Pharmaquick sa kanilang sudden death match sa pamamagitan ng 70-68 panalo sa PBL Chairman’s Cup kahapon sa Makati Coliseum.

Bunga ng panalong ito, makakaharap ng Soap Experts ang no. 1 team na Shark Energy Drinks sa crossover semifinals habang ang isa pang semis match ay ang paghaharap ng no. 2 team na Ana Freezers at ang no. 3 na defending champion Welcoat paints.

Ayon sa format, ang no, 1 team ay haharap sa no. 4 at no. 2 kontra sa no. 3 at ang top two teams ay kapwa nag-tataglay ng bentaheng twice-to-beat.

Dahil dito, isang panalo lamang ang kailangan ng Power Boosters at Freezers Kings upang makausad sa finals ha-bang dalawang panalo naman ang kailangan ng Giv at Paint Masters.

Nasayang ang pagpupursigi ng Pharmaquick na umahon mula sa 8-point deficit at makahabol sa 68-70 matapos ang tres ni Jun Canoneo, 1:35 ang oras sa laro.

May tsansa pa sanang makahirit ng overtime ang Drug Experts ngunit kap-wa pumaltos ang free throws ni Leo Avenido, gayundin ang isang lay-up ni Dacia, 28 segundo ang oras sa laro.

Tuluyan nang nasiguro ng Soap Experts ang panalo nang ma-rebound ni Francis Sanz ang nagmintis na jumper ni Marlon Legaspi hanggang sa tumunog ang final buzzer.

Hindi naging malaking kawalan sa Giv ang pagkaka-thrown-out kay Edwin Bacani sa first quarter bunga ng kanyang panununtok kay John Alfad.

vuukle comment

ANA FREEZERS

DRUG EXPERTS

EDWIN BACANI

FRANCIS SANZ

FREEZERS KINGS

GIV

GIV BEAUTY SOAP

JOHN ALFAD

JUN CANONEO

SOAP EXPERTS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with