LBC-Blades, 3rd placer sa MBA Friendship Games

Pinamunuan ni Eddie Laure ang LBC-Batangas upang makopo ang ikatlong konsolasyong puwesto ng MBA Cebuana-Lhuillier Friendship Games makaraang pabagsakin ang San Juan Knights, 86-77 sa New Cebu Coliseum.

Umiskor ng 12 puntos si Laure kabilang na ang dalawang three-pointers sa, 20-6 final quarter run na nagbigay sa Blades ng kanilang pinakamalaking bentaheng 11 puntos, 84-73, may 2:18 ang nalalabi sa laro.

Hawak ng Knights ang 57-47 abante sa ikatlong quarter nang pangunahan ni Stephen Antonio ang pagbangon ng Blades kasama si Choochoo Serrano para sa 9-2 run para ilapit ang iskor sa 56-59 patungo sa ikaapat na yugto ng laro.

Ang MBA Cebuana-Lhuillier Friendship Games ay nagsisilbing pre-season MBA tournament na ipiniprisinta ng Cebuana-Lhuillier, Lysol at Globe handyphone na kikilatis sa lakas at kahinaan ng apat na kasaling koponan at manlalaro para sa 4th MBA season na magsisimula sa Hunyo 3.

Show comments