Milo Best Center volleyball summer camps idaraos

Magkakaroon ng tsansa ang mga kabataan na mahilig sa volleyball na mapaganda ang kanilang basic sa pagdaraos ng Milo Best Center volleyballl summer camps sa San Beda College at Ateneo grade school covered courts sa Marso 30-Abril 27 at Abril 28-30, ayon sa pagkakasunod.

Ang mga pag-aaral sa SBC ay gaganapin simula sa ala-1:30 hanggang alas-4:30 ng hapon tuwing Martes at Biyernes, habang ang mga clinics sa Ateneo ay nakatakda simula ala-una hanggang alas-4 ng hapon tuwing araw ng Lunes at Huwebes.

Kasalukuyan ng ginaganap ang patalaan sa BEST Center, 34 Scout Lozano corner Scout Reyes, Bgy. Laging Handa, QC, tel. nos. 3723065/66 at 4116260 sa Danesei/Sensie, 5th floor, Holiday Inn Manila, UN Avenue, tel. nos. 5258191 at 5249311.

Samantala, gaganapin naman ang level 2 basketball classes para sa age group 12-14 sa Ateneo College covered courts mula alas-8 hanggang alas-11 ng umaga tuwing Lunes at Huwebes simula sa Abril 2. Ang sinumang interesadong partido ay maaring magpatala sa mga nasabing registration centers sa itaas.

Show comments