Kampanya sa titulo maningning na sinimulan ng Osaka

Maningning na sinimulan ng Osaka Iridology ang kanilang kampanya para sa titulo sa pamamagitan ng 89-93 panalo kontra sister team Guardo Shiatsu Reflexology kahapon sa pagpapatuloy ng CBL President’s Cup sa New Cebu Coliseum.

Humakot si si Alvin Castro ng 23 puntos, habang nagdagdag naman si Jessie Cabanayan ng 15 puntos upang banderahan ang Iridologists sa huling maiinit na segundo ng labanan upang matakasan ang hamong ibinigay ng Reflexologists.

Sa iba pang laro, pinayukod naman ng Chariot Econo Cabs ang M. Lhuillier Jewelers, 85-78.

Sumandig din ang Osaka sa tikas nina Willy Wilson na nagtala ng 16 puntos at malalaking taong sina Benzon Franco at Adonis Sta. Maria na nagposte ng 11 at 10 puntos, ayon sa pagkakasunod.

Natabunan ng Guardo Shiatsu ang 10 puntos na pagkakalubog at kanilang nakontrol ang tempo para sa kanilang pagposte ng siyam na puntos na kalamangan, 72-63 sa kaagahan ng ikaapat na yugto ng laro.

Show comments