Rius, naka- gold sa Hong Kong competition

Binitbit ni aerobics star Allena Rius ang karangalan para sa bansa nang mapagwagian nito ang gold medal sa Hong Kong competition ng Asian Circuit.

Nakopo din ni Rius ang isa sa apat na medalya para sa bansa sa competition sa US noong nakaraang Oktubre. Nanalo si Rius sa single category.

Ang iba pang gold winners sa US event ay sina Joy Castillo, fitness and muscle definition category, Florencio Eugenio, follow the leader category, May Click Eugenio, Jeffrey Samson at Fernandina Samia sa STEP category.

Show comments