9th Japa Cup Basketball Tournament sisimulan na

Ang lahat ay handa na para sa 9th Japa Cup Basketball Tournament na nakatakdang magbukas sa Biyernes sa RFM Gym sa Mandaluyong City.

Agad na mapapasabak ang PBL Commissioner’s Office, kampeon noong 1998 sa DZRH, habang magtutunggali naman ang PBA Press Corps (PBAPC) sa PBA Photographers.

Ang naturang event ay ginaganap bilang parangal sa yumaong Raffy Japa--ang founding president ng PBA Press Corps.

Kalahok din dito ang defending champion PBA Commissioners Office, Viva-Vintage Television at Pro Stats.

Show comments