3 bagong team lalahok sa Intra-government chessfest

Tatlo pang bagong koponan ang nagkumpirma ng kanilang partisipasyon para kumumpleto sa kabuuang 27 squads na nakatakdang sumali sa nalalapit na Millennium Intra-government chess team championship sa Nov. 13-25, simula alas-6:30-9:30 ng gabi sa Social Hall Bureau of Custom, Port Area, Manila.

Ang mga koponan na nag-kumpirma ng kanilang lahok ay ang Chess Club, DECS Bureau at Comelec na nagkumpirma ng kanilang paglahok sa tournament na ito na inorganisa ng Philippine Sports Commission sa pakikipag-kooperasyon ng Bagumbuhay Chess Club.

Nakataya sa chessfest na ito ang kabuuang P160,000 na ang magkakampeon ay tatanggap ng P50,000 at eleganteng tropeo.

Para sa iba pang detalye makipag-ugnayan lamang kay Ricky Montealegre tel. 4001863 at Arnold Agustin, 3031071.

Show comments