^

PSN Palaro

Agustin may ibubuga pa sa PBA Governors' Cup

-
Sino ang may sabing laos na si Ato Agustin?

Bagamat ang one-time MVP awardee ay hindi na gaya ang dating laro nito, ilang taon na ang nakalilipas, ito ay hindi nangangahulugan na hindi na siya puwedeng makapagdeliver ng maganda.

Dahil kung titingnan ang mga stats na nakatala sa blackboard, ang kanyang numero na mismo ang makapagsasabi para sa kanyang sarili.

Matapos na mareview ang kanyang unang dalawang laro sa PBA Governors’ Cup, ay masasabi mong hindi pa matanda si Agustin at ubra pa siyang makipagsabayan sa ilang mga batang manlalaro.

Naging maganda ang simula ng Thunder, dating Energizers sa season-ending tournament dahil una nilang tinalo ang Tanduay Rhum Masters, 94-90, bago sinupil ang Pop Cola Panthers, 100-95 sa overtime--at sila ay nagpapasalamat hindi lamang sa tikas ng kani-lang import na si Ray Tutt kundi sa mga naging kontribusyon rin ng mga local players.

At isa si Agustin sa maganda ang pinakitang performance sa nasabing dalawang laro at ito ay hindi mo mapapasubalian na siyang dahilan upang ang unang karangalan ng PBA Press Corps Player of the Week ay igawad sa dating Lyceum hitman.

Humakot ang 5-foot-11 guard ng 13 puntos at 3 assists kontra sa Rhum Masters, bago nagpasiklab nang kumana ito ng 19 puntos laban naman sa Panthers.

At dahil si Agustin ang siyang pinakabeterano sa koponan, hindi na sorpresa kung ang lahat ng responsibilidad ng koponan ay iatang sa kanyang mga balikat nang hugutin ng Red Bull ang kanyang serbisyo mula sa expansion draft sa off-season.

vuukle comment

AGUSTIN

ATO AGUSTIN

BAGAMAT

POP COLA PANTHERS

PRESS CORPS PLAYER OF THE WEEK

RAY TUTT

RED BULL

RHUM MASTERS

TANDUAY RHUM MASTERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with