Misis, tepok sa saksak ng selosong mister
MANILA, Philippines — Isang 32-anyos na misis ang nasawi matapos saksakin ng kaniyang mister nang sila ay magtalo sa hinala ng huli na may bagong itong nobyo naganap nitong Miyerkules sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Basak San Nicolas, Cebu City.
Batay sa impormasyong nakuha mula sa Mambaling Police Station 11 ng Cebu City Police Office, nagkaroon umano ng pagtatalo ang mag-asawa dahil sa pagseselos ng lalaki na ang kanyang misis ay may bagong nobyo.
Nang masaksak ang biktima ay agad na isinugod sa Cebu City Medical Center ngunit idineklara dead-on-arrival.
Tumakas naman ang suspek matapos gawin ang krimen, ngunit agad din siyang naaresto ng mga pulis sa isinagawang hot pursuit operation. Napag-alaman na 15 taon nang nagsasama ang mag-asawa na biniyayaan ng tatlong anak.
- Latest






















