^

PSN Showbiz

Janella, may gustong gawin bago mag-30

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Janella, may gustong gawin bago mag-30
Janella Salvador

Gustong makagawa ni Janella Salvador ng isang musical play kung mabibigyan ng pagkakataon. Magiging bahagi dapat ang aktres ng One More Chance: The Musical ng Philippine Educational Theater Association o PETA. “I got the offer last year. I remember very well. I was doing something kaya I wasn’t able to commit to that, sadly. Sana bago ako mag-30 makapag-theater na ako. Kasi gusto ko talaga ever since I was a kid. And obviously growing up with my mom in theater. I really, really wanna try it,” nakangiting pahayag ni Janella.

Ang dalawampu’t anim na taong gulang na aktres ay anak nina Juan Miguel Salvador at Jenine Desiderio. Matatandaang namayagpag ang career noon ng ina ni Janella sa Miss Saigon bilang si Kim. “Hopefully dumating ‘yung time na ma-prioritize ko na siya talaga,” giit ng aktres.

Samantala, kamakailan ay nailunsad ni Janella ang kanyang bagong single na Headtone. Kakaibang atake ang ginawa ni Janella para sa music video ng naturang single. “Ako kasi I want my music to be able to grow along with me. So obviously as I mature and as I learn in life, I would want the same to be reflected sa music ko,” makahulugang pahayag ng singer-actress.

Direk Lauren, may pangamba sa pbb audition

Nagsimula na noong Sabado at Linggo ang auditions para sa pinakabagong season ng Pinoy Big Brother. Inaasahang muling magbubukas sa Hunyo para sa mapipiling Housemates ang pinakasikat na bahay sa bansa. Aminado ang Star Magic head na si Laurenti Dyogi na nangambang hindi tatauhin ang mga audition ng PBB ngayong taon. “This marks our return on-ground after six years. The past days, we were worried if people will come, but it turns out we have a long day ahead,” bungad ni Direk Lauren.

Para sa ABS-CBN executive ay talagang kaabang-abang ang lahat ng mga kaganapan sa Pinoy Big Brother: Gen 11. Umaasa si direk Lauren na makukumpleto ng kanilang grupo ang kinakailangang bilang at karapat-dapat na maging Housemates ni Kuya. “I do not dictate because I am open to whoever comes. We find the person who makes the season exciting. We are hoping to find very unique and very interesting housemates,” paglalahad niya.

Muling pinaalalahanan ni direk Lauren ang publiko na huwag basta maniwala sa mga nagpapakilala na mayroong kaugnayan sa PBB. Noong isang linggo ay nanawagan ang Star Magic head tungkol sa panloloko at pambibiktima sa mga nagnanais makapasok sa PBB at nangangarap maging isang artista. Ngayon naman ay may napapabalitang mayroon nang napiling Housemates ang pamunuan ng PBB at hindi na kailangang magsagawa ng mga audition. “They say may napili na, not true. We will not spend time, energy, and money to mount if we already picked. Do not believe social media,” paglilinaw ng Star Magic head. — Reports from JCC

vuukle comment

ACTRESS

JANELLA SALVADOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with