^

PSN Showbiz

DOREMI reunion, nag-trending!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon

Trending kahapon si Regine Velasquez sa X, dahil sa first night performance ng Finale concert niya na ginanap sa SM MOA Arena na nag-umpisa noong Biyernes ng gabi.

Base sa mga ipino-post ng netizens, naging emotional siya nang kinanta ang isa sa favorite songs niyang You Are My Song na tinuturo niyang fans niya ang kanyang “you are my song.”

Trending ang hashtag na #Ate Reg, #QueenRegineFinale, pati ang #DOREMI na kung saan ay nakasama niya sina Donna Cruz-Larrazabal at si Mikee Cojuangco-Jaworski.

May mga nag-post na naiiyak si Melai Cantiveros, pati si Vice Ganda kasama sina Darren Espanto at RS Francisco.

Libre ang second night niya kagabi, at habang tinitipa ko ito, inaasahan nang mas dadagsain ito, dahil para talaga sa fans at supporters ang gabing ‘yun.

Iba-iba ang repertoire at ipe-perform niya gabi-gabi kuwento na rin niya.

May nag-post pa sa X ng mga kinanta ni Regine, na umabot siya ng 28 songs kasama na ang encore.

Sabi naman ni Regine nung nagpa-presscon siya sa Super Sam, kung puwede lang ay free show talaga ang gusto nila. “That’s what my sister Cacai wanted talaga,” pakli ng Asia’s Songbird.

“But unfortunately, we couldn’t afford. As you all know, mahal na talaga ngayon. Gasolina nga mahal e. That’s actually a thank you concert to everyone who’s been supporting me all these years. For the 40 years that they have been supporting me.

“So we wanted it talaga as a thank you concert. So my sister Cacai wanted it for free talaga.

“Kaya lang, we couldn’t afford it. So we were really trying our best to get a sponsor who can sponsor the two nights, but then again, hindi talaga namin kaya.

“So we opted na to have one night na libre, tapos may isang gabi para ma-afford namin na malibre ‘yung isang gabi. Kailangang magbayad sila ng isang gabi.

“Kumbaga, merong isang event na isang gabi for those people cannot afford…for those fans who cannot afford, kailangan namin ibenta ‘yung isang gabi,” saad ni Regine Velasquez.

Pagkatapos nitong malaking concert, mapapanood pa rin si Regine sa intimate shows, at meron pa nga siyang ipo-promote na bagong album. “Si­guro more on sa family,” pakli niya nang tinanong namin kung ano ang pagkakaabalahan pa niya.

Ang isa pala sa binabalak niya ay magbabalik-pelikula, pero hindi bilang artista.

“I’m also planning to do other things. I cannot say yet. It’s still in showbiz, but not really into singing. Not acting. Jomojonders, ang hirap maka-recover,” napapangiti niyang sambit.

Hindi lang muna maibigay ni Regine ang buong detalye. Pero sa likod ng kamera raw siya at may kinalaman pa rin sa music ang iaambag niya sa movie production.

Zaijian, NR sa intriga Sa kanyang seeds

Ayaw magkomento ni Zaijian Jaranilla sa isyung kinakaharap ng Metro Manila Film Festival (MMFF) entry niyang Seeds of Peace: The Life of Fr. Rhoel D. Gallardo, CMF.

Kahit ang director nilang si Rommel Galapia Ruiz ay wala pa rin munang masasabi dahil sa pagkakaalam daw niya ay iniimbestigahan pa ito.

Sabi ni Direk Rommel nang kinumusta ko, hinihintay lang daw nila kung ano ang magiging decision ng Executive Committee, bago sila maglabas ng statement.

Sa nakaraang premiere night ng pelikulang Guryon ng Blackfire Entertainment Film Production na ginanap sa Gateway Cinema 1 noong Sabado, hiningan ng reaksyon si Zaijian tungkol dito.

Si Zaijian ang gumaganap na Father Rhoel Gallardo sa Seeds of Peace at siya rin ang bida rito sa Guryon.

Sabi ni Zaijian, hindi raw niya inakalang makakapasok itong meta-documentary film na Seeds of Peace.

“At hindi ko akalain na ipapasok nila sa festival. Nung nalaman ko po, parang malaking bagay po siya sa mga Claretian, sa pamilya ni Father Rhoel Gallardo. Ahhh dahil napaka-inspirational nga po ng film, panigurado marami pong mata-touch na puso ‘yung pelikula. At makikilala din po nila kung ano ‘yung kuwento ni Father Rhoel Gallardo,” saad ng Kapa­milya actor.

Pero nanganganib daw na ma-disqualify ito pero wala raw nga siyang masasabi.

Aniya, “Sa mga ganun pong usapin baka hindi ko na po siguro… nakakapanghinayang, opo. Pero sana kung mabibigyan naman ng pagkakataon, e sana po mag-push through pa rin.

“Sa producer na po ‘yung usapan na ‘yun. Pero sana po, kahit papa’no ma-consider nila.”

Umaasa siyang malalagpasan ito ng naturang pelikula at matuloy sa MMFF.

“Maganda po na maipasok siya at maipalabas sa MMFF na makita rin ng iba’t-ibang kababayan natin,” tugon ni Zaijian.

Dito naman sa Guryon ay isang advocacy film naman ito na dinirek ni Lester Dimaranan.

Sabi ng producer nito na si Alpha Carmina Valdez ng Blackfire, hinintay raw talaga nilang maging available sina Zaijian at Xyriel Manabat, dahil gusto raw talaga nilang sila ang artista ng pelikulang ito.

Isang role model si Zaijian para sa kanila, dahil hanggang ngayon ay nakatatak pa rin talaga ang imahe niya bilang si Santino ng May Bukas Pa.

Malaking bagay talaga ‘yung Santino image niya kaya sa kanya ito ipinagkatiwala.

Kagaya nitong role niya bilang si Nestor sa Gur­yon, bumagay sa kanya ang role ng isang batang inabandona ng tiyuhin at tiyahin niya, at siya na lang ang nagtaguyod na palakihin ang kanyang batang kapatid na ginagampanan ng baguhang child actor na si Kanye Avendaño.

Aminado naman siyang dahil sa nandiyan pa rin ang “Santino” image niya, sa kanya ipinagkakatiwala ang mga ganitong proyekto kagaya ng sa Guryon. “Feeling ko po ganun. May ganung magic. May ganung magic po ‘yung si Santino, dahil hindi naman siguro ako gaganap na pari kung hindi ako magiging si Santino.

“‘Yung iba nga po, hindi na nila kilala ang totoo kong pangalan. ‘Uy si Santino ‘yun ah,” pakli niya.

Wala pang sinasabi ang Blackfire kung kailan iso-showing ang Gur­yon. Pero balak sana nilang iikot ito sa mga eskuwelahan. Nababagay raw ito sa mga kabataan dahil sa mensaheng gustong iparating ng pelikula.

Sabi ng producer nitong si Alpha Carmina Valdez, “Actually po, ang plano namin una siyang ilabas sa mga school. Since, isang advocacy film and I think na mas makaka-help siya more on youth. Para ma-revive natin ‘yung mga values natin and some realization na nawawala na. Katulad ng halaga ng pamilya, respeto, sipag at tiyaga.

“Kasi parang ‘yan nawawala na sa panahon natin ngayon e… sa generation natin ngayon. So, ‘yun ang parang gusto naming ilako po sa mga manonood na mga kabataan. Kasi sa mga kabataan kasi, sila pa lang ‘yung possible e. Sila pa lang magkakaroon ng future experiences ng mga ganitong trauma, ng mga ganitong problema.

“For example ‘yung abandonment, kung papano nila iha-handle. Gusto kong maipakita sa pelikula na hindi natatapos ang buhay dahil lang may nag-abandona. Dahil marami sa community natin, na kahit hindi natin kadugo, maraming willing tumulong.”

REGINE VELASQUEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with