Luzon, Visayas isinailalim ulit sa yellow alert – NGCP
MANILA, Philippines — Muling isasailalim ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa yellow alert status ang Luzon at Visayas grid kahapon.
Batay sa anunsiyo ng NGCP, apat na power plants sa Luzon grid ang inilagay sa force outage habang isa naman ang tumatakbo sa derated capacity na may kabuuang 1,369.3 megawatts na hindi available sa grid.
Ang yellow alert status ay ipinatutupad kapag kakaunti na lamang ang natitirang reserba ng suplay ng kuryente sa kabila ng sobrang taas ng demand ng kuryente dahil sa sobrang init ng panahon.
- Latest