^

PSN Showbiz

Heart, nilabas ang pagka-kanal!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Heart, nilabas ang pagka-kanal!
Heart Evangelista

Aliw ang TikTok video ng Global Fashion Icon na si Heart Evangelista kung saan sinagot niya ang netizen na nagtanong kung paano umutot ang sosyal.

Gumawa pa siya ng tutorial video para sa netizen na nagtanong nito na may caption na “eto na po sagot.”

Kuwela ang naging sagot niya roon at nag-demo siya kung saan pasimpleng nag-spray ng pabango sa kanyang paligid para mapagtakpan kunwari ang kanyang utot.

Tawang-tawa naman ang netizens dahil hindi nila akalaing papatol ito sa kanilang mga tanong.

Meron din daw palang ‘kanal humor’ ang misis ni Sen. Chiz Escudero.

Pero sagot naman ng isang netizen ay ang mahal pala umutot ni Heart dahil imagine raw magkano ang isang wisik ng pabango nito lalo na at maraming wisik ang ginawa nito.

Hindi ito ang unang beses na gumawa ito ng pampa-good vibes na video dahil kamakailan ay nag-post ito ng mga video gaya ng kung paano tumawa ang isang rich girl na may kasamang payo na “Hindi ko naman sinasabing rich ako, pero kung bet mong magpanggap, why not? Dapat bilang.”

Ang isa naman niyang video ay kung paano sumigaw ang isang sosyal na kinaaliwan din ng kanyang fans at netizens.

Ang isang netizen nga ay sinabing bakit hindi ito magsulat ng isang libro na may titulong SOSYAL: A Heart Evangelista Masterclass na sinang-ayunan ng ibang fans.

Magandang ideya raw ito at matututo pa tayong maging sosyal with manners sa pamamagitan ng libro nito.

Kasalukuyang umabot na sa mahigit 7 million ang followers niya sa TikTok.

vuukle comment

ACTRESS

HEART EVANGELISTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with