^

PSN Showbiz

Daniel, nagpa-mini birthday concert!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Daniel, nagpa-mini birthday concert!
Direk Cathy Garcia-Sampana, Daniel Padilla, at Direk Mae Cruz-Alviar

Mistulang nag-mini concert daw si Daniel Padilla sa kanyang post birthday party nung Linggo na ginanap sa The Vineyard sa Tagaytay.

Dinaluhan ito ng pamilya nito, ang sa tatay niyang si Rommel Padilla, kasama sina Sen. Robin Padilla at Mommy Eva at iba pa niyang pinsan sa Padilla clan.

Nandun siyempre si Karla Estrada at ang mga kapatid ni Daniel, at iba pa niyang mga non-showbiz friends.

Dumalo rin doon ang ABS-CBN executives na sina Mr. Carlo Katigbak at Mark Lopez.

Nandun din sina Direk Cathy Garcia-Sampana, Direk Mae Cruz-Alviar at mga matagal nang close kay Daniel na sina Patrick Sugui at ang asawa nitong si Aeriel, at ang mag-asawa ring Zanjoe Marudo at Ria Atayde.

Dumalo rin ang iba pang kaibigang sina LA Tenorio, Joe Vargas, at business partners nito.

Kapansin-pansin na hindi nakikita ang tiyan ni Ria sa pictures na naglalabasan. Madalas ay nakatago ito sa katabi niya kapag nagpapalitrato.

Sobrang na-enjoy raw ni Daniel ang kantahan nila, pati sina Rommel, Sen. Robin at siyempre si Karla ay napakanta.

Kaya nga tama lang na mag-concert uli si ­Daniel dahil keri niyang humataw uli sa concert.

Medyo mainit daw doon sa The Vineyard Resort, kaya tumawid lang daw sila sa J’ Castles na ini-endorse ni Daniel at doon nila pinanood ang fireworks.

Happy birthday uli kay Daniel Padilla!

R’bonney, nag-enjoy sa ff!

Nag-guest pala ang Miss Universe 2022 R’Bonney Gabriel sa Family Feud, at nag-taping na sila nung nakaraang linggo.

Sobrang na-enjoy raw ng Fil-Am beauty queen ang paglaro niya kasama si Ariela Arida at mga handlers nila sa Miss Universe Philippines.

Nakalaban nina R’Bonney ang grupo ni Sugar Mercado.

Masaya ang mga susunod na mapapanood sa Family Feud, lalo na itong paglaro ng cast ng Walang Matigas Na Pulis Sa Matinik Na Misis.

Naglaban ang dalawang team na Matinik nina Beauty Gonzalez, Maey Bautista, Carmi Martin, at Angel Leighton versus team Matigas nina Niño Muhlach. Dennis Padila, Antonio Aquitana, at Jeffrey Tam.

Sobrang tindi raw ang asaran ng dalawang teams na ito, at ang nakakaloka itong si Niño raw tuwing tumatama ang sagot niya ay gumugulong daw ito sa sahig.

Wagas daw ang asaran nina Niño at Maey at dagdagan pa ng naughty comments ni Dennis Padilla.

Kaya parang nung naglaro rin daw ang It’s Showtime hosts nina Vice Ganda at Anne Curtis, hindi nila puwedeng itapon ang mga masasayang tagpo kaya mapapanood ang extended version nito sa YouTube pagkatapos ng airing nito sa darating na Biyernes.

Sam at Catriona, sasagutin ang intriga sa kasal!

Ilang beses kong kinulit ang businesswoman at philanthropist na si Pinky Tobiano tungkol kina Sam Milby at Catriona Gray, kung tuloy ba ang binabalak nilang kasal.

Hindi naman daw niya natanong, matipid niyang sagot sa akin.

Pero na-interview daw niya sandali ang magkasintahan para sa kanyang YouTube channel.

‘Yun na lang daw ang abangan.

Pakinggan na lang daw mabuti ang mga sagot nina Sam at Catriona kung tuloy ang wedding.

“If you watch my You Tube, you will know if they will get married,” pa-cute lang na sagot sa akin ni Achi Pinky (ang tawag namin sa kanya).

Two weeks ago naman ay may surprise dinner si Achi Pinky para sa kaarawan ni KC Concepcion na ginanap sa 180 by Chef Sau sa Tagaytay.

Na-capture roon sa YT channel niya na napa-“don’t say that” si KC nang nadulas si Achi Pinky kung pupunta ba siya ng Switzerland na kung saan nandun ang boyfriend ng aktres na si Mike Wuthrich.

Ayaw naman pangunahan ni Achi Pinky ang mga nakakapanayam niya, pero makikita naman daw sa mga sagot nila na ipinost niya ito sa kanyang YouTube channel na Pinky Tobiano.

Nakikita naman daw na happy ngayon si KC at abala siya sa kanyang Avec Moi Jewelry.

“I’m a hardworker, and I pray that God really surround us with right people who you know, lift us up and bring life happy and more beautiful than it is,” pakli ni KC.

Last week pa na-upload ang birthday surprise kay KC sa YouTube channel ni Achi Pinky.

Pero ang kina Sam at Catriona naman ay nakatsikahan din ni Achi Pinky sa birthday celebration ng manager nilang si Erickson Raymundo kamakailan lang.

Sa Biyernes daw niya ilalabas sa YouTube channel niya ang masayang tsikahan niya kina Sam at Catriona, at abangan daw kung masasagot doon ang tanong ng karamihan kung tuloy ang kanilang kasal ngayong taon.

Basta nakakakilig daw ang tsikahang ‘yun sa magkasintahan.

vuukle comment

DANIEL PADILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with