Foreign vessels sa Kota Island, itinaboy ng PCG
MANILA, Philippines — Itinaboy ng Philippine Coast Guard ang mga namataang foreign fishing vessel sa teritoryo ng Kota Island sa West Philippine Sea noong Linggo.
Ayon kay PCG Spokesperson Jay Tarriela, na naglilibot sila gamit ang High-Speed Response Boat sa layong 1.75 nautical miles sa hilaga at hilagang kanluran sa loob ng 12 nautical mile ng teritoryo ng Pilipinas nang makakita ng foreign vessel.Ito na ang kanilang ikaapat na operasyon sa loob tatlong linggo.
Gumamit ang PCG ng rubber boats papalapit sa sasakyang pandagat ng mga dayuhan habang paulit-ulit na inaabisuhan na lisanin ang lugar.
Ilan lamang ito sa mga pagkakataon na naitaboy ng PCG ang ilang mga dayuhan sa paligid ng Philippine territory. Kabilang na dito ang pagtataboy noong October 15, sa mga Chinese vessel at apat pang maliliit na bangka sa Lawak Island.
Ayon sa PCG, pinagbabawalan ang mga dayuhan sa pangingisda sa Philippine territory ng walang pahintulot, sa illalim ng Philippine Fisheries Code and the Philippine Maritime Zones Act.
Ayon pa kay PCG Commandant Adm. Ronnie Gil Gavan, pananatilihin nila ang pagpapatrol sa Kalayaan Island Group sa pakikipagtulungan sa Philippine Marine Corps.
- Latest




















