Bardagulan sa pageant, bibida sa Red Crown

Sa wakas ay lumabas na ang sikreto sa likod ng korona, at ito ay purong bardagulan.
Matapos ang ilang linggong kasagsagan ng social media posting kaugnay ng viral na Queen of the Islands pageant, opisyal na isiniwalat ng GMA Pictures ang pinag-uusapang paligsahan na siyang pangunahing tatalakayin ng kanilang paparating na satirical comedy film na Red Crown.
Ngunit ang Red Crown ay hindi lamang para sa mga hard-core pageant fans—ito ay isang full-throttle comedy na idinisenyo upang hikayatin ang lahat na suportahan ang kanilang mga pambato.
Sa direksyon ni Dominic Zapata, mula sa screenplay nina Kit Villanueva at Ken de Leon, ang pelikula ay “laban kung laban” sa mundo ng pageantry, na kumukuha ng mga kuwento sa likod ng kinang, mga gown, at mga killer walk.
Pagbibidahan ang pelikula ng real-life pageant royalty at Sparkle stars: Yana Aduana, Alethea Ambrosio, Ara Arida, Herlene Budol, Skye Chua, Faith da Silva, Michelle Marquez Dee, Haley Dizon, MJ Encabo, Shuvee Etrata, Gazini Ganados, Rein Hillary, Maika Kemmochia, Lopez, Mika Kemmochi Manalo, AZ Martinez, Ashley Ortega, Vanessa Peña, Sandy Riccio, Jade Tecson, Tarah Valencia, Yna Angela Uy, at Yza Thalia Uy.
Sino ang magiging Reyna ng mga Isla?
Ipapalabas ang Red Crown sa mga sinehan sa buong bansa ngayong Oktubre.
- Latest






















