Isang batang nangarap
Ang dami nang tribute na iginawad para sa batang basketbolista na si Rene Clert Baterbornia at ang haba nga ng mga nagdadalamhati sa kanyang pagpanaw na wala sa oras.
Andun ang hinagpis ng isang inang ang tanging alala niya ay ang huling yakap nila sa pag-alis ni Bobet dito sa Davao International Airport. Walang kasing higpit and yakap ng mag-ina na hindi nila alam na ‘yon na pala ang huling panahon nilang makadaupang palad ang anak na nangarap para sa pamilya at sa inang walang ibang hinangad na maayos ang pamumuhay nilang mag-anak.
Sabi nga ni Rene sa panayam sa kanya sa Palarong Pambansa na ‘I am just a kid with a big dream’. Sino ba naman ang hindi maaantig ang puso sa kung gaano ka nagpakumbaba si Rene at hindi ang kanyang sarili ang inuna ngunit ang kapakanan ng kanyang mga maliliit na kapatid.
Kaya nga minsan may isang batang nangarap hindi para sa sarili niya ngunit para sa kanyang pamilya at ang pangalan niya ay Rene.
- Latest

















