^

PSN Opinyon

Natiklo na si Teves

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

Naaresto si dating Negros Oriental congresman Arnolfo­ Teves Jr. sa Timor Leste noong Huwebes. Si Teves ang itinu­turong mastermind sa pagpatay kay dating Negros Oriental Gov. Roel de Gamo noong nakaraang taon. Ngayong nahuli na si Teves inaabangan na ang mabilis na hakbang ng pamahalaan. Ang tanong ay kung kailan maiuuwi si Teves upang harapin ang bintang sa kanya sa pagkamatay ni Degamo at siyam na supporters nito. Pinasok ng mga armado ang compound ni Degamo noong Marso 4, 2023 sa Pamplona, Negros Oriental at pinagbabaril ang governor habang namumudmod ng ayuda.

Malaking insulto sa law enforcers ang pamamayagpag ni Teves na nahuling naglalaro ng golf. Maging sa hanay ng mga kongresista, malaking insulto rin ito dahil nang matapos ang karumal-dumal na pagpatay kay Degamo, ilang beses itong ipinatawag sa House of Representatives subalit naging­ matigas at nagpahayag na lulutang lang siya kung masu­sunod lamang ang kanyang kondisyones at masisi­guro ang kanyang kaligtasan.

Umabot ng isang taon ang pagtatago ni Teves at nga­yong nadakip na siya, nagkaroon na ng pag-asa ang mga mambabatas at pati si DOJ Sec. Crispin Remulla na maha­harap na nito ang kaso. Maging madali sana ang pagpapa­balik sa bansa ni Teves para masimulan na ang pagdinig sa kanyang kaso. Nararapat nang malaman ang katotohanan sapagkat maraming buhay ang nalagas sa karumal-dumal na masaker. Dapat manaig ang hustisya.

vuukle comment

TEVES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with