^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Dapat pa bang pagtagalin sa bansa ang POGO?

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Dapat pa bang pagtagalin sa bansa ang POGO?

Umaagaw sa trabaho ng Philippine National Police at iba pang ahensiya ng pamahalaan ang problema sa Philippine Offshore Gaming Operator (POGO). Sa halip na ang matutukan ng PNP ay ang mga nangyayaring krimen sa maraming sulok ng bansa, itong mga illegal POGO workers ang kanilang nagiging prayoridad sa ngayon. Hindi lamang sa Metro Manila nagkakaroon ng krimen sangkot ang illegal POGO kundi sa mga probinsiya man.

Noong Miyerkules, nasa 875 katao ang na-rescue ng Presidential Anti-Organized Crime Commission­ (PAOCC) at PNP sa POGO hub sa Bamban, Tarlac­. Sangkot ang POGO hub sa human trafficking, scam at illegal detention. Karamihan sa mga na-rescue ay Chinese. Ayon kay PAOCC Usec. Gilbert Cruz, sina­lakay nila ang POGO hub makaraang magreklamo ang isang Vietnamese national na nakatakas sa POGO hub noong Pebrero 28. Bukod sa Vietnamese, isang Malaysian national din ang humingi ng tulong sa PAOCC sapagkat ikinukulong sila sa compound na pinagtatrabahuhan. Marami nang sinalakay na POGO hub ang PAOCC at tila wala nang katapusan ang problema sa mga ito. Hindi pa ba bubuwagin nang tuluyan ang POGOs?

Mula nang mag-operate ang POGOs sa bansa noong 2017, marami nang krimen na kinabibilangan ng pagpatay, kidnapping, human trafficking, crypto scam, money laundering, prostitution at iba pa ang naganap. Bukod sa krimen, hindi nagbabayad ng buwis ang mga POGOs kaya walang naitutulong sa pagbangon ng ekonomiya ng bansa.

Maraming mambabatas ang pabor na buwagin na ang POGOs sapagkat ayon sa kanila, walang napa­pakinabang dito kundi ang pagdami ng krimen. Sam­pung senador ang nagpahayag na dapat nang buwa­gin ang POGOs. Ganunman, nananatili pa rin ang posisyon ng pamahalaan na huwag itigil ang POGOs. Sabi minsan ni President Ferdinand Marcos Jr. wala pa raw siyang nakikitang magandang dahilan para ipatigil ang POGOs.

Noong nakaraang buwan, ipinag-utos ni Pasig Mayor Vico Sotto na ipatigil ang POGO operation at e-bingo­ sa siyudad. Ang Pasig ang ikalawang lungsod sa Metro Manila na ipinagbawal ang POGOs. Una ay ang Valenzuela na ibinawal ang POGOs noong Hulyo 4, 2022. Ayon kay Gatchalian, marami umanong krimen ang hatid ng POGOs kaya ipinagbawal niya ito.

Kailangan pa bang maghintay nang magandang dahilan ang Presidente para ipatigil nang tuluyan ang POGOs? Kitang-kita na ang mga dahilan para ito ipahinto. Hindi na dapat pang pagtagalin sa bansa ang naghahatid ng problema.

vuukle comment

POGO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with