^

PSN Opinyon

Martial law posible

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

ANG ano mang tangkang ihiwalay ang alin mang bahagi­ ng Pilipinas upang gawing bagong bansa ay isang national security threat. Sa ilalim ng Konstitusyon, kapag may gani­tong panganib ay papasok na ang militar upang humadlang.

Noong araw, magdeklara ang matandang Marcos ng martial law dahil sa communist rebellion. Ngayon puwedeng magdeklara uli dahil sa secession.

Maaaring gawing dahilan ito para sa deklarasyon ng martial law na ayaw nating mangyari. Subalit sa ganyang mga sitwasyon ay hindi ito malayong mangyari. Nagsalita na si National Security Adviser Ed Año na mapipilitang gu­mamit ng lakas ang militar sa ganyang mga sitwasyon.

Malamang talaga na si Presidente Bongbong Marcos ay mapilitang sumunod sa yapak ng kanyang ama. Baka nga isipin ng iba na ito’y isang planned scenario para mag­deklara ng batas militar si “dayunyor”. Huwag naman sana.

Sa ilalim ng martial law, puwedeng baguhin nang mabilisan ang Konstitusyon nang hindi na kailangan ang People’s Initiative. Matutupad ang adhikaing gawing semi-parliamentary o unicameral ang gobyerno.

Ginawa iyan ng matandang Marcos at puwedeng gawin ng kanyang anak na presidente ngayon. Kapag iyan ang nangyari, bilib na ako sa kawikaang “history repeats itself,” kaya panalangin nati’y itigil na ang ganitong walang katuturang adbokasya ni Duterte.

Kaya hindi biro ang pahayag ni ex-president Duterte na nangunguna sa adbokasiya niyang ihiwalay ang Mindanao sa Pilipinas na sinusuportahan ng ilang mambabatas at pulitiko. Dapat mabatid ng mga ambisyosong pulitikong ito na maituturing na silang renegade na rebelde kapag isinulong ang kanilang adhikain. 

Ibig kong sabihin, huwag bigyan ng rason ang Presidente na buhayin ang isang lideratong diktadurya. 

vuukle comment

MARTIAL LAW

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with