Time to shine naman ng Ospital ng Makati!

Isa sa mga pride ng lungsod ang Ospital ng Makati (OsMak). Simula nang buksan ito, naging maaasahang pagamutan ito para sa libu-libong Makatizen na kailangang magpagamot o magpa-check up. Simula January 2020 hanggang June 2023, may 7,771 babies na ang isinilang sa OsMak. Lahat ng nanay na nakakumpleto ng pre-natal check-up sa ospital ay nakakatanggap ng Baby Makatizen bags na may lamang swaddle blanket, wash cloth, booties, belly binder­, rattle, tie-side at pyjamas, baby cap, mittens, baby wipes, diapers at reusable baby bag.

Bukod sa libre at safe na panganganak tinuturuan din ang mga nanay ng tamang paraan ng breastfeeding para sa mas magandang kalusugan ng kanilang sanggol alinsunod­ sa mga standard ng Department of Health (DOH).

Dahil sa mga programang ito ay ginawaran ng DOH ang OsMak ng certification bilang isang Mother-Baby Friendly Facility at Mother-Baby Friendly Workplace noong July 27. Ang certification na ito ay ibinibigay tuwing tatlong taon at isang malaking karangalan para sa lahat ng ospital at organisasyon.

Hindi lang sa panganganak nag-e-excel ang OsMak. Maging ang ibang serbisyo nito at kagamitan ay top-of-the-line para sa ikabubuti ng ating Makatizens.

Alam ba ninyo na mayroon tayong rehab treatment ser­vices para sa mga na-stroke, naaksidente, o mga batang nasa autism spectrum? Simula January 2020 hanggang June 2023 ay may 10,571 indibidwal na ang nakapag-avail ng services na ito.

Sa mga may problema naman sa mata, ang OsMak Eye Center natin ay nakapagbigay serbisyo na sa 77,886 Yellow Card holders. Gamit natin dito ang mga advanced equipment para mabilis at maagap na ma-check ang pani­ngin ng mga pasyente. Prayoridad natin ang kalusugan ng mga bata, at may 18,109 ang nakapagpagamot sa OsMak simula January 2023.

Pagdating sa chemotherapy at dialysis, hindi rin tayo pahuhuli. Kahit mahal ang mga serbisyong ito ay ibinibigay po natin ito ng libre para sa lahat ng may Yellow Card. Mayroon na tayong 6,800 na nabigyan ng libreng chemotherapy simula January 2023, at 2,342 naman ang pasyenteng nagpapa-dialysis sa OsMak.

Sa kabuuan, mula January hanggang May 2023 ay mayroong 94,366 patients sa OsMak. Kasama na dito ang out patient, emergency care, at mga na-confine sa ospital. Nakapakarami na po, at patuloy na dumadami pa ang mga pasyenteng pinaglilingkuran ng OsMak nang walang bayad.

Para sa mga Makatizen, isang malaking kaginhawahan ang assurance na mayroong dekalidad na ospital na matatakbuhan ano mang oras at para sa kung ano mang kondisyon. Bawas na ito sa iisipin o iintindihin ng bawat pamilya na primary concern na nga ang mag-survive sa bawat araw. Ang magandang serbisyo at dekalidad na ospital ay hindi dapat sa can-afford lang. Ang OsMak ang nagsisilbing modelo ng libre, dekalidad, at may pusong paglilingkod. Ano man ang mangyari, ang OsMak ay para sa #ProudMakatizens. Uulitin ko, kapit lang, walang bibitaw.

Show comments