^

PSN Opinyon

EO 9 ni BBM vs e-sabong, sinuwag ng Sabong Legend Cup!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

Hayagang sinusuway ng management ng Sabong Legend Cup (SLC) ang kautusan ni President Bongbong Marcos na panatilihing ipasara ang kontrobersiyal na e-sabong saang bahagi man ng Pinas. Nakamasid sa ngayon ang pamilya ng 34 missing sabungeros kung itong inisyu ni BBM na Executive Order 9 (EO 9) noong Dis. 28, 2022 ay puro laway lang. Sobrang tapang nitong si alyas Cholo at si BBM na mismo ang babanggain niya ano? Dipu­gaaaaa!

Kung negosyong paihi hindi nagalaw si Cholo, ewan ko lang kung ganundin ang mangyayari sa e-sabong. Mismooooo! Hehehe! Weder-weder lang ‘yan!

May umaabot na sa 70 sabong afficionado na sumali sa SLC at nag-abot sila ng tig-P1 milyon na pot money. Sinabi ng mga kosa kong sabungero na ang P500,000 nito ay magsisilbing bond samantalang ang natitirang P500,000 ay puwedeng ipusta ng mga miyembro tuwing may laban ang kanilang mga manok. Ang sabong ay gaga­napin sa Bgy. Kaingin Calzada Bago sa San Rafael, Bulacan umpisa ngayong araw na ito (Hunyo 1). Dipu­gaaaaa! Hehehe!

Kung walang kaukulang permit ang SLC sa Pagcor at GAB, abayyyyyy salakayin n’yo na ang e-sabong ni Cholo, PNP chief Gen. Benjamin Acorda Jr. Sir! Eh di wow!

Sinabi ng mga kosa ko na si Cholo ang aaktong ma­nagement ng SLC at ang business partner niya na si Joseph Umbad ang aaktong station programmer. Abayyyyy ma­galing na IT expert ata itong si Joseph, na may mga business interest sa Quezon City at sa mga beach sa Laguna.

Imagine, dating wala rin itong si Joseph na taga-Tondo, Manila subalit kaiwa’t kanan pang namili ng mga buildings at beach sa cash basis ha, anang mga kosa ko. Tsk tsk tsk! Ano ba ang kasalanan ni Joseph diyan at biglang yaman? Eh di wala. Hahaha! Parang tumama sa lotto lang. Mismooooo!

Ang operation manager naman ng SLC, ayon sa kosa ko, ay si alyas Emil T. at assistant for operations ay sina Edward M. at Jepoy P. Hayan! Maliwanag pa sa sikat ng araw kung sinu-sino itong sumusuway kay BBM ha? Isang kumpas lang ni BBM at tiyak, mawawalis ang e-sabong ng SLC, di ba mga kosa? Hehehe! Kaya lang baka hindi na maiangat ni BBM ang kamay na bakal niya at manhid na. Araguuyyyyy! Ambot sa kanding nga may bangs!

Ang general meeting ng SLC ay ginanap sa Macapagal, Pasay City noong Mayo 27 at ang mga umattend ay ang mga incorporator. Kaya go na ang e-sabong mga kosa. Kaya taya na! Subalit palakpakan natin ang tropa ni Cholo at nadenggoy nila si BBM. Ayossssss! Hehehe! May kalalagyan ang SLC.

Sa totoo lang, hindi lang ang mga adik sa sabong ang natutuwa sa pagbukas ng e-sabong kundi maging ang mga breeder ng manok dahil “happy days” o tabo na naman sila. Mismooooo! Abangan!

vuukle comment

NON ALQUITRAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with