^

PSN Opinyon

Panagutin ‘utak’ ng casino junket scam

GO NORTH - Artemio Dumlao - Pilipino Star Ngayon

UMAAPELA sa Securities and Exchange Commission (SEC) ang mag-asawang Raffy at Jennilyn Floresca ng Baguio City upang ipawalambisa ang ibinabang cease-and-desist-order (CDO) noong Marso 16, 2023 dahil sa maling pagkakasangkot ng kanilang pangalan sa casino junket scam operations.

Ayon sa inilabas na sertipikasyon ng Philippine National Esports League at Horizon Players Club, dalawa sa mga per­sonahe at grupong binabaan ng SEC ng CDO ka­ugnay sa casino junket operations na nambiktima ng inves­tors, walang kaugnayan ang mag-asawang Floresca sa iligal na operasyong investment scheme.

Ngunit hanggang ngayon na lumampas na sa itinakda ng SEC upang sumagot at magpakita ng katunayang dapat ma-lift ang CDO sa mag-asawang Floresca, walang kibo ang SEC, na ikinababahala ng mag-asawa dahil sa negatibong epekto ng pagkakasangkot nila sa casino junket operations.

Umaasa rin sa SEC ang iba pang mga biktima ng casino junket scam na makakamit nila ang hustisya. Pina­nga­lanan­ ng SEC ang mga sangkot at nasasakdal: Horizon Players­ Club, Philippine National Esports League, Team Z at sina Hector Pantollana, Zeus Liao Pantollana, Reymond Lacsamana Galang, Quarry Quieng, Erwin Bangalan, Kim Mejica, Daniel Agbisit, Paul Tolentino Marana, JM Almodiente, CJ Quinzon, Vanessa Mendoza Magboo, Gumba Martinada, Ronaldo Embing Renta, Neshemah Rock Lorico Renta, Maricel Raposon Cesumision, Avegail Namoc Cruz, James Christopher Tan Rojas, Joseph Junia Zabala, Maria Cecilia Tabano Vizcayano, Stephen Ce­cilia Dorog, Zen Carreon Humilde, Hein Carreon Humilde, Rhoda Andrada Casuga, Mikhaella Damasco Ty, Ariel Ramos Katigbak at Den Abad. 

Ayon sa SEC, kasong kriminal at administratibo ang kaha­harapin ng mga nasasakdal. Mahigpit na pinagbabawalan ng SEC ang mga nasasakdal at kanilang mga alipores na galawin ang pondong naideposito sa banko, mga ari-arian at ano pa mang may interes. Habang tuma­tagal ang resolusyon ng SEC kung sino ang totoong “utak” sa casino junket operations, lumalala ang kawalan ng kata­rungan lalo sa mga nabiktima ng scam.

***

Para sa suhestiyon:  [email protected]

vuukle comment

SCAM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with