^

PSN Opinyon

Programa sa mga PWD at ‘special kids’

UNFILTERED - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

HINDI madali sa isang magulang na magkaroon ng isang anak na may “special needs”. Sila ang mga batang nanga­ngailangan ng espesyal na atensyon at espesyal na mga pangangailangan.

Sa mga espiritwal na magulang, itinuturing silang biyaya galing sa Diyos. Para sa kanila may rason kung bakit ibi­nigay ang anak nila sa kanila. Ang iba naman, nagagalit sa Diyos at iniisip na pabigat ang kanilang anak. Hindi dahil nawalan na sila ng pag-asa kundi dahil wala silang kakayahan. 

Kaakibat kasi ng pagkakaroon ng“child with special­ needs” ang malaking gastos para masuportahan ang mga personal na pangangailangan ng kanilang anak. Gastusin­ sa edukasyon at mga special intervention o therapy­ ­at training.  Subalit, paano kung ang isang magulang ay mahirap at hindi sapat ang kinikita? 

Malaki ang papel na magagawa ng pamahalaan sa mga kaso ng child with special needs. Dati kapag nari­rinig ang salitang “special kids” iba ang kanilang iniisip at persepsyon. Ngayon sa henerasyong ito, salamat naman at nabubuksan na ang ating isipan na ang mga ganitong bagay ay kailangang suportahan ng pamahalaan. Kaila­ngan nila ng ayuda at subsidiya ng gobyerno.

Isinusulong ngayon sa Kongreso ang isang panukalang batas para bigyan ng buwanang ayuda ang mga pamilya na may mga anak o miyembro na person with disability (PWD). 

Layunin nina Davao City Congressman Paolo Duterte at mga mambabatas ng ACT CIS na makakatanggap ng P2,000 monthly pension ang mga magulang na may anak na PWD na ang edad ay 21 taong gulang pababa. Maliit na halaga, pero malaki ang maitutulong sa mga pamilya para sa medikasyon.  

Kung mayroong binuong programa ang gobyerno para sa mga PWD, dapat mayroon ding bukod na programa para sa mga special kid. Mas malaki kasi ang tsansang umunlad at “makasabay” ang mga may “special needs” kapag sila ay naaaruga at natututukan. Nabibigyan ng sapat­ na pondo at natutustusan ang kanilang mga panga­nga­ilangan. Sana mabuksan ang isipan ng Kongreso na magsulong din ng mga batas para sa mga “espesyal”. 

At tulad din ng matagal ko nang panawagan bilang bahagi ng aking adbokasiya, sana maglagay ang pamahalaan ng mga school para sa mga PWD at mga kids with special needs. Ihiwalay ang pondo sa ganitong programa nang sa ganun, hindi na malugmok pa sa kahirapan ang mga magulang na salat sa mga pangangailangan. 

vuukle comment

PWD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with