^

PSN Opinyon

High value, high-risk target

UNFILTERED - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

NATATAWA ako na may halong pagkabuwisit sa pana­wagan ngayon ni DILG Secretary Benhur Abalos.

Kaharap ang mikropono at media ang sabi niya, sumuko at umamin na raw ang mga sangkot sa pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo.

Ito ang mahirap kapag ang isang pulitiko by nature, nag­sasalita nang walang sapat na karanasan sa kanyang posisyon. Hindi alam ang utak at galaw ng mga kriminal.  

Matagal nang nag-report si Degamo na may mga banta­ sa kanyang buhay. Pumalpak dito ang Philippine National­ Police (PNP). Hindi ginawa nang tama ang threat assess­ment sa intel na ibinigay ng governor.  

Alam ng DILG at PNP, high value at high-risk target si Degamo mula nang idineklara ng Comelec noong Oktubre­ na siya ang nanalong governor. Dapat noon pa lang binigyan na siya ng security detail. Hindi pulis-Negros, bagkus trained na mga personnel ng Philippine Security and Pro­tection Group (PSPG).  

Ang siste, ngayon pa lang nagkakabukingan. 

Kung hindi pa napaslang si Degamo, hindi pa magsasagawa ng mga checkpoint sa Negros Oriental. At ngayon pa lang din mag-iimbestiga ang PNP sa mga police escort na naka-assign kay Degamo.  

Alam kaya ni PNP chief Gen. Rodolfo Azurin na lima sa anim na police security ni Degamo, absent nang mismong araw na patayin ito? O, baka ngayon niya lang nalaman.  

Tsip, isang dura lang ang layo ng tanggapan mo sa opisina ng PSPG. Pagreportin mo sa’yo ang mga pulis. Ala­min mo kung sino sa mga opisyal ng gobyerno ang mga high value target at high-risk target. Approach avoidance kung tawagin. Nag-iisip at gumagamit ng kokote.  

Tuloy pati si House Speaker Martin Romualdez nagdududa. Highly suspicious daw na biglang nawala ang mga police escort noong araw na ‘yun na dapat sana ay nagpapatupad ng stricter security measure dahil alam nilang may mga banta sa buhay ng opisyal.     

Ito namang si Abalos na nasa itaas ng PNP, naghahanap-damay pa. Sagot niya, hindi lang naman daw PNP ang nagbibigay ng seguridad kay Degamo. Nandoon din daw ang Armed Forces of the Philippines (AFP). Tsk… tsk. 

Noong Linggo, nag-deploy na ng mga karagdagang tropa ang AFP sa Negros Oriental. Lumalabas, mayroong breakdown ng law and order sa lalawigan.    

Matatandaang tinalakay ko sa programa kong BITAG Live noong Pebrero 28 na security is job number one. Ang pulis dapat nakikita at nararamdam ang presensiya sa buong bansa.     

Marso 4, pinaslang si Degamo. Malaking sampal ito sa mukha ni Abalos at Azurin.   

Dapat kasi ang DILG at PNP astig! Hindi puro daldal at paepal!     

vuukle comment

BENHUR ABALOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with