^

PSN Opinyon

Local modern PUJ ipo-promote

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

NATUTUWA ako sa balitang ito na animo’y sagot sa aking column kamakailan na dapat suportahan ng pamahalaan ang lokal  na industriya sa paggawa ng mga modernong public utility vehicles. Ito ay sa halip na umangkat pa ng mga modern vehicles sa ibang bansa.

Ayon kay Department of Transportation Secretary Jaime Bautista, ipu-promote ng pamahalaan ang mga modernized PUJ sa ilalim ng Modernization Program. Bukod sa makatutulong ito sa pagsasamoderno ng mga pumpublikong transportation, tiyak na makalilikha ito ng employment sa maraming Pilipino.

Ang isa pang tinutumbok na layunin ng modernization ay upang mabawasan ang paggamit ng tradisyunal na gasolina at diesel na isa sa mga dahilan sa pagdumi ng hanging nilalanghap ng tao.

Noon pang araw, may mangilan-ngilang modern e-jeepney na ang pumapasada partikular na sa Makati. Hindi ko malaman ang dahilan kung bakit naudlot ang promotion ng ganitong uri ng mga sasakyan. Mayroon ding ilan na hanggang ngayon ay bumibiyahe as Metro Manila pero kakaunti lang ang mga ito. 

Mayroon na ring mga five star hotels na may ganitong mga sasakyan na ginagamit na tourist vehicles. Dapat ay lumawak pa ang paggamit ng mga ganitong sasakyang makapagliligtas as daigdig sa panganib ng climate change.

Darating ang araw na mauubos ang supply ng crude oil sa ilalim ng lupa kung kaya’t ang ibang mauunlad na bansa sa daigdig ay pinaghahandaan na ang pangyaya­ring ito. Dapat kasama ang Pilipinas sa mga bansang nagsisipaghanda dahil kung hindi, mapag-iiwanan tayo.

vuukle comment

MODERNIZATION

PUJ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with